By: Ian Fiedalan 
Hawak
 nya ay balota sa Halalan
Kuyom ng palad ang mga ngalan ng 
itatakda
Nakaupo sya sa sulok. Balot ng pawis
Pumipilipit sa
 sakit ang sikmura
Nang bumubulong ang demonyo at nagwika:
Kumain
 ka na ba? Pagkain.
Nais nya'y maibsan ang daing ng 
katawan
Sa taong tagtuyot, ang alok na biyaya ay 'di maiwasan
At
 ano ang kapalit ng pansamantalang kaibsan?
Itaya ang dangal at 
isulat ang ngalan sa aklat ni Kamatayan
Sa huli'y singilin ng 
demonyo na may labis pang interes
Isang katarantaduhan.
Tugon
 ay HINDI.
Silid sa isipan ang tangis ng supling
Ang dungis 
na kinasadlakan nilang mga kauri
Sa noo nila'y minarkahan ng sumpa
Kinaligtan
 ng Pamahalaan matapos pagsamantalahan
Hinubdan ng karapatan!
Muli'y
 nagmaskara ang demonyo
Bulong ay lubid na kasinungalingan
Nagbalat-kayo
 nang mapagkamalang isa ring mahirap
Nag-aral bigkasin ang 
lengwahe ng kahirapan
Kukunin ang loob upang pagnakawan.
Isang
 katarantaduhan!
Nag-uumigpaw sa galit
Sa silid 
ay tumungo. Sinulat ang posyon,
Na bubura sa tinuring na sumpa
Simulan
 ang pagtayo ng bagong lipunan
Pamahalaang magtataguyod sa 
kanilang karapatan
Walang kasinungalingan.
(c)2010
 
 
 
No comments:
Post a Comment