Thursday, October 21, 2010

Nang Yumakap ang Pasko

 Akda ni Richard Policarpio

Simoy ng mabangong hangin na sadyang kaylamig
Tumatagos sa pusong titibok-tibok at pipintig-pintig
Hatid ay pagpapala sa taong may tapat na dalangin
Na sa kanyang puso ay kabutihan ang sumasalamin.

Sa likod ng bundok makikitang nakakubli
Ang papasikat at kaakit-akit na liwanag ay nariyan nang muli
Binabadya'y malaking galak sa taong bukas ang kamay
Sa kapwa ay tugon ang lubos na pagdamay.

Araw ng Pasko’y nalalapit na
Sa pista ng mundo, ang mga tahanan ay sagana.
Bawat puso ay muling mahahagkan
Yayakapin ng madlang ligayang di mapapantayan

Ang banal at ang makasalanan ay muling napag-ugnay
Pinuspos ng pagpapala sa pag-ibig na tunay.
Nang ang Hari na sa krus nabayubay,
Bigyan ng diwa ang pagmamahal na kanyang inalay.

(c) Richard Policarpio, Oktubre 20, 2010.

2 comments:

  1. maligayang pasko. na add ko na rin ang link mo. naaamoy na ang simoy ng pagkakaibigan.

    ReplyDelete