Friday, March 18, 2011

Bugso

Akda ni Ian Fiedalan

Dagling nararamdaman
Bugso-
Galit na nag-aalimpuyo
Sa sakit na dinulot ng hagupit
Sa kamalayan at matinding pangangailangan
Nang lisanin ang kampo
At tumalikod sa prinsipyo
Ibinagsak sa lupa ang armas
Na protekta sa kalaban
Susuko?
Bugso ng damdamin
Bakit pati'y prinsipyo
Bigla na lang tatalikuran?

(c) 2011
Kalookan

No comments:

Post a Comment